Friday, July 25, 2008

astig nga ba ang math?

Manong Isaw: ilan sa’yo?
Student: 3x-5 where x=6
Manong Isaw: ah so bale 13, bale mura lang 5sin90 ang isa.
Student: umm... pakiconvert naman po using arctangent
Manong Isaw: di ko carry eh, tangent na lang 5tan45 kung gusto mo,
mag-apply ka na lang ng reduction formula.
Student: ok na po, eto bayad (X∆2-4x+3) / sin3x where x=7
Manong Isaw: ok got it, wala ka ng sukli na ha.


Isa sa mga chain text message na kumalat sa boung kapuluan ng mahal nating Filipinas. Malamang natanggap mo rin ito bago pa man sumikat si Inday na highfalutin kung mag-ingles.

Math. Phoneyetang math yan. Isa sa mga dahilan kung bakit dumudugo pa rin ang utak ko, nagiging cause ng epileptic seizure ko, at emotional disturbance ko na nagpapabula pa ng bibig ko.

Minsan mo na rin bang kinainisan ang math sa buhay mo? Ako, maraming beses na. Ayoko sa math. As in Math. MATHigas ang ulo ko pagdating sa asignaturang 'to nung nag-aaral pa lang ako.

Nung Highschool nga ako, gumawa ako ng alyansa A.M.A.T... Alliance Movement Against Trigonometry. Ako ang naging founder, tapos yong seatmate ko ang naging co-founder. Hindi rin nagtagal kasi kaming dalawa lang yong naging member. Bwisit.

sabi ng Rene Descartes:


"It is a truth very certain that it is not in our power to determine, we ought to follow what is probable"

sabi ko naman: Keep off the grass.

Wednesday, July 23, 2008

baloooootttt...

Im so sick and tired of this cruel life! In solitude I always pass this life’s endless road amidst the spooky road, feeling the coldness and uncertain darkness of the night. Shouting relentlessly at the top of my lungs just to touch your ears and answer your exotic cravings.
--sosyal at depressed na magbabalut

Balot. Balut. Isa sa mga pagkaing pinoy na kinahihigan ng marami. Imposobleng hindi mo’to alam, ito yong itlog ng bibe (tama nga ba?) na hindi pa napipisa ng kanilang inang mother. Ito yong mga itlog na nagtagal lamang ng 16 to 18 days tapos tsinugi na at pinakuluan sa kumukulong tubig na merong asin.

Sa paggawa pa lang ng balut, meron ng aborsyon na nangyayari, mga kawawang little birdies (ngek? Birdies?) hindi man lang nasilayan ang ganda ng mother earth. Sigh.

3 years old ako noon nang una akong nakatikim ng balut, tandang tanda ko pa noon dahil sa tuwing pupunta kami ng plaza with my ever loving parents eh hindi pwedeng 'di kami bibili. Palaging pinapakain sa akin ng aking amang father yong puti, yong matigas. Sweet no?

Tatlong piso pa noon ang balut. Mura lang kung ikukumpara lang sa sampung pisong balut ngayon. Yong balut ngayon parang 1-day old na ang hitsura, matigas ata ulo nung sisiw kasi ayaw pa-abort. Or baka late lang ang abortion, parang yong mga babaeng nagdadalawang isip pa kung ipapaabort yong bata o hindi habang patagal ng patagal ayun lumalaki naman yong kawawang fetus.

Bakit ko 'to ginawan ng entry? Wala lang. Ramdam ko lang naman yong cravings sa pagkaing 'to.
Nakakamiss na kasi. Ikaw, miss mo na rin ba ang mabalahibong itlog na tinutukoy ko?

Monday, July 21, 2008

Taym Pers Portion: a reply to petrang kabayo letter

Dear Petrang Kabayo,

Anlalim nga ng problema mo hindi maarok ng aking powers to the highest level. Hija talagang ganyang ang love, minsan kelangan nating magsakripays para lang may matutunan tayo. E ano nga ba natutunan mo sa pakikipagrelasyon mo dyan sa boyprend mo? Ang mangabayo? Pero hindi ba masarap naman talagang mainlab yun nga lang minsan may mga nangyayaring hindi natin nagugustuhan.

Kung ako sa'yo hija, kung ramdam na ramdam mo naman talagang ayaw na sa iyo ng boyprend mo, hiwalayan mo na. Wag mo nang hayaang labis kang nasasaktan ha. Kung kaya mo syang sapukin, go! kung kaya mo din syang latiguhin, go lang! basta in then end hindi ka makokonsensya. At hindi ka masasaktan...

Alam mo Hija, tanga ka na nga, bobita, boplaks, syongangers, espoklong, o kahit ano pang tawag dyan wag mo naman sanang gawing kaawa-awa ang sarili mo sa kanya. Lalaki lang ang ulo nya pag pilit mo pa rin ipinagpipilitan ang sarili mo sa kanya. Kawawa ka lang. Pramis.

Kaya hiwalayan mo na sya, total marunong ka namang magfriendster e dun ka na lang maghanap ng bagong boyfriend mo.

Kung naiinsecure ka kay Grace, abay dapat lang. In this world accept the reality that not everything cheers us the way we want it. Atsaka duh rebonded ang hair nya e ang sa 'yo shinampoo lang...mumurahin pa.

At tungkol naman sa engron mo, simple lang yan. Pakagat mo lang sa aso, tapos! Pero kung may pera ka e pwede mo namang ipaopera yan ah. Alam mo ansabi sa akin minsan ng manicurista sa amin, wag daw masyadong pagkakalikutin ang kuko para maiwasan ang onychocryptosis na mas kilala sa tawag na ingrown nails. At wag masyadong maikli ang paggupit ng kuko, hanggat maaari wag mong gupitin ito sa pinakagilid para pag lumaki yong kuko eh hindi nabubunggo yong laman na sya naman g nagcacause ng hypergranulation. Deretso lang ang pagputol wag pa-curve ha.

Gusto mong hingiin ang friendster ko? Di ko masyadong nabubuksan e pero kung talagang desidido ka talaga, kung anong email na makikita mo dito ay yun din yong emaill account ko sa taeng-inang friendster na yan. Okey?

Sana nakatulong ako sa 'yo. Sana.


Yours Truly,
Taym Pers

Sunday, July 20, 2008

taym pers portion: ang problemang kabayo...

Tapos na ang ika-100 na entry ko. Tapos na ang silibrasyon na aking inihanda para sa aking sarili. Isang simpleng salo-salo sa harapan ng t.v kasabay ng pagngasab ng isang supot ng kornik at isang bote ng RC cola. So there.

So tuloy-tuloy lang tayo.

Kahapon habang nakaupo ako sa aking trono. Naisipan kong gumawa ng isang portion dito sa blog ko. Isang ideya ang lumaya na naman. Mga gawa-gawang anomalya na kapupulutan ng aral...sana. wish ko lang. At heto basahin mo.

Dear Taym Pers.

Bago ang lahat gusto muna kitang batiin ng good morning, in tagalog magandang araw. Masaya ako dahil ito ang unang liham na nailathala dito sa blog mo. Ako nga pala si Pete, fet ang tamang bigkas dyan hindi feet na paa ha; nickname ko. Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang isang katulong sa isang prominenteng pamilya dito sa forbes park.

Lumaki ako sa hirap, wala kasi kaming kotseng BMW o kahit vios man lang noong bata ako. Hindi ko rin natikman ang rangya ng buhay, ang magkaroon ng sariling laruan tulad ng psp o kahit playstation 3 man lang. Okey na sa akin noon ang taguan-pong at bahay-bahayan. Hindi rin ako nakakatikim ng masasarap na pagkain, masarap na sa aming tatlong magkakapatid yong isang lata ng sardinas. Ang tanging afliance lang namin noon ay ang de-bagang plantsa, wala pa kasing kuryente sa aming barangay noon at ewan ko lang kung afliance na matatawag yong plantsang iyon na pamana pa ng lolo ng tatay ko. Im sorry if my sfelling is bad. Hindi rin kasi ako nakapag-aral, ang tanging isang pangungusap lang na ingles na alam ko ay... Give it more baby..ohh..ohh. Nabasa ko lang yan sa celpon ni sir nung minsan pakialaman ko. Ang alam ko text yun ng kabit nya. Ginagago nya pala si ma’am. Bobo din kasi si ma’am.

Maiba tayo, yun nga, mahirap lang talaga kami kaya nasanay na akong magbanat ng buto. Dagdag mo pa dyan yong pagmamalupit sa akin ng madrasta namin pag wala ang tatay namin. Hindi nya raw ako anak kasi ‘di raw kami magkamukha. Natural! Kaya nga madrasta namin sya, bobita rin pala sya ano?

Edad kinse anyos ako nang pumunta ako ng Maynila. Hinatid ako ng ante kong mabait na kapatid ng madrasta ko. Ang kaso nung nasa maynila na kami pinaghintay nya ako, ang sabi nya iihi lang daw sya. Pero dalawang oras na akong nakatayo sa mahabang kalsada dala ang isang bayong pero hindi pa rin sya nagpapakita. Pinagalitan ako ng isang mama na nag-aastang pulis, ang sabi bawal daw tumayo sa gitna ng Edsa.

Sa mga oras na yun, akala ko magiging palaboy na ako, hindi pala. Dahil doon ko unang nakikilala ang aking amo ngayon. Ang bait nga ni sir e, binigyan nya ako ng bente sabi umuwi na daw ako. Sabi ko naman hindi ko alam kung saan ang sakayan. Kaya nung nalaman nilang naliligaw ako, kinupkop nila ako at ginawang tagapagsilbi sa kanila.


Tatlo pala kaming magkakapatid, ako ang bunso. Pero yong dalawa kong kapatid na nauna sa akin ay hindi ako tinuturing na kapatid. Sampid daw ako. Si kuya monmon, limang taon ang agwat namin, pinaglihi daw sya buwan kaya ganun ang pangalan nya, si ate sansan naman tatlong taon ang agwat namin, sya ang pinakamatalino sa amin, pinaglihi naman sya sa tansan. Noong nabubuhay pa ang nanay ko, palagi ko syang tinatanong kung ano pinaglihi nya sa akin, hindi sya sumasagot kundi iniiba nya yong usapan. Pagnaaasar na ako at pasigaw ko na syang tinatanong atsaka naman sasabat si kuya monmon ng hindi pa ba halata dyan sa mukha mo? Tapos dun pa lang ako tatahimik at magkukulong sa kulangan kasama ang mga alagang hayop ni itay.

Teka medyo napahaba ang entro ng buhay ko ah, sumulat nga pala ako sayo para humingi ng payo sa aking problema.

Sa edad kong bente-otso ay nagkaroon din ako sa wakas ng boyprend. Nakilala ko sya kasi kapitbahay lang namin yong amo nyang may-ari ng mga kabayo, isa syang hinete. Sweet din sya kasi halos araw-araw ay binibigyan nya ako ng gulay pero ang sabi nya tiratira na nga lang daw yun, ewan ko kung saan at kanino talaga nanggaling. Masarap naman kasi ginagawa kong salad, yong may mayones. Sariwa pa naman yong gulay kahit minsan amoy laway ng kabayo, pinapakain ko pa nga kina sir e, masarap nga daw talaga yong gulay.

Yong tungkol sa problema ko ay tungkol sa boyprend ko. Nanlalamig na kasi sya sa akin, pag nilalambing ko sya at hinahalikan umiilag sya at sabay haplos lang sa ulo ko gaya ng paghaplos nya sa mga alaga nyang kabayo. Gusto ko syang tanungin kung sino ang mas pipiliin nya ako o si grace---yong kabayo. Pero natatakot akong baka si grace ang piliin nya, nakita ko na kasi yun di hamak na mas maganda ang buhok kesa sa akin. Balita ko rebonded pa nga daw.

Mahal ko ang boyprend ko kasi sya lang ang unang nagbigay sa aking ng tamis ng ligaya sa buhay ko. Pero yun nga, parang hindi na nya ako mahal. Ano kayang gagawin ko? Makikipagbreak ba ako sa kanya o hindi? Tulungan mo naman ako koya.

May isa pala akong problema, yong engron kasi ng kuko ko di ko masungkit paano ba ito tanggalin? Sana matulungan mo ako koya. Kasi labis na akong nag-aalala sa figure ko.

kelangang kelangan ko ng tulong mo.

Sya nga pala, may friendster account ka ba? Pwede ko bang makuha? Add kita ha.

Truly yours,
Petrang Kabayo.

Saturday, July 19, 2008

isang daang porsyento ni tarugo este taguro.


Yehey! ito ang ika-100th entry ko. Isang taon at mahigit na rin ako dito sa blogger slash blogspot. Angaling ano? Marami na rin akong nalagak na mga kuro-kuro at emosyong patlang (anlalim dude), at naeenjoy ko naman. Marami na rin akong nabisitang blogs, may blog na epal, informative, kwentong ek-ek, kwentong barbero, may blog na mala-tibak ang konsepto, may blog na antichrist, may blog na patawa, malungkot at kung anu-ano pa. May ilang ding naligaw sa dito, napadaan at tuluyang tumambay.

Ilang sa kanila e paborito kong pasyalan, nariyan ang blog ni utakmunggo na tungkol sa mga kwento nila juday, claudine, kc, at sino pa nga ba ulit yun? Basta masaya ako pag binabasa ko yan, dagdag mo pa yong adventures niya sa dalawa nitong anak na uber sa kulit, aliw na aliw akong basahin at kwela talaga (sana hindi nya mapansing binobola ko lang sya). Kung trip mo naman ang medyo green eh bisitahin mo ang greenpinoy sabay mo na rin ang blog ni ferbert na uber din sa kulit ewan ko kung dahil sa may pagka alien o ano, basta kool. Kung mga kwentong pipitik naman ng iyong isipan e itry mo tong kay pb at kay batopik.

Usually gusto ko yong blog na makakapagcatch talaga sa atensyon ko, matagal na akong blogger way back pre-historic era pa. Kaya ang tipo ko eh yong kakaiba at bago sa panlasa. Gusto ko ding magbasa sa blog ng mga makulit na sina kamotenista at mahiwagang sibuyas.

Kung gusto mong makisunod sa adventures tungkol sa biyaheng pinoy try mo ‘to. At ni dakilang islander. Maging si lawstude masarap ding makisabay sa mga escapades nya sa buhay-life. At kung tungkol naman sa mga escapades sa ibayong dagat pwede na rin siguro ang mga blogs katulad nina madbong lorie, alingbaby, nonoh, mangBADoy, at marami pang iba. Okey din ang adventures ni jhammywhoops at ni tentay, at super emotirang to the highest unbearable level na sina emoterangnurse, kengkay, acey , ayzzz camillee.

Kung tungkol naman sa tooth pwede dyan si rio and different thoughts ni bienthoughts at ni eyebags . Salamat sa inyo at sa iba pa. Sa month-end post ko yong mga dumalaw dito at nag-iwan ng bakas.

Masaya ako kasi naka-100 entries na ako,parang alam mo yong feeling na umuutot ka dahil sa kabag, releasing... ang dating? Astig no? O kaya yong feeling na natanggal mo yong gabukol mong kulangot dahil sa sobrang lagkit at sobrang dikit na parang ang drama e ikaw ay isang superhero tapos naipagtanggol mo si Mother Earth with matching cheering squad pa. go, go, power rangers!!!



Ngayong naabot ko na ang ika-100 post entry.Malamang magtatransform na rin ako sa mas 'nakaka' pang blogger. Kung ano mang 'nakaka' yun e sikreto muna.

Malamang ipopost ko na rin yong mga sequels ng RIBLO. Ayoko naman kasi maistak na lang yun sa isang kuwaderno at amagin lang. Sayang naman. Baka maitangay ng haliparot naming pusa, magawa ko pa syang adobo. Ayoko ng ganun. Kadiri, ambaboy! (pusa?? baboy?!?)

Kung nanoonod ka dati ng ghost fighter, malamang kilala mo din si taguro-yong kinalaban ni lupin este ni eugene. Katulad din ni taguro, ilalabas ko ang aking isandaang porsyento... sa pagsusulat at pamamahagi ng mga bulok kong kaisipan sa mundong ito.

Some expects me to be ‘perfect’ but I am not... I have also my mistakes, weakness and fears. But Im so contented for whatever life I have now. And it doesnt matter where I came from, whom I am always with, my name or whatsoever. It always me as a person that counts. Others may see me as a stone not a gem, and i dont give a damn to it. I know who I am. How I care people I love, what I think and what I feel. Me, Myself and I... not perfect but just the way I want it.
--- makatang sabog.

Wednesday, July 16, 2008

Through to life story (nosebleed) and true to life story.

Alam kong kool ang pinoy pagdating sa english, minsan may free pang twang. Kahit alam mong pilipit ang dila pilit pa rin magsalita ng english. Ewan ko ba, gustong makisabay pero minsan nahuhuli.

Ako: thank you for caling (name of our company), this is (my name) how may i help you?
Caller: yeah hi! is this (name of our company)?
Ako: yes ma'am, how may i help you?
Caller: yeah i want to send money to ...ummm.... you know... umm.... (nag-iisip ata kung sino padadalahan pero umabot ng 10 seconds mahigit ng ka-a-ummmm.)
Ako: Yes a'am?
Caller: anyway... ummm.how mash your rayt todey?
Ako: (ngumisi ako) it's ... (given rate)
Caller: oh! great! kinda owsame big!
Ako: yes ma'am its kinda higher than yesterday (nag-isip ako kung tama nga ba ang sinabi ko, pero bahala na)
Caller: lemme check who i wanted to send the money.
Ako: (ngisi ulit) sure ma'am take your time.
(umabot ng isang minuto. naghintay ako parang commercial break na rin)
Ako: anyway ma'am, kumusta po? nakakaintindi po ba kayo ng tagalog?
Caller: I am sorry but i am not.
Ako: (muntikan na akong humaglapak sa tawa) ah okay.

Madalas akong makausap ng kapwa Pilipino sa telepono, hanggat maari gusto ko silang kausapin sa tagalog hindi dahil trip ko lang kundi di lang talaga ako sanay magsalita ng ingles at di ako bihasa sa puntong yun. (ngisi ulit)

Payn. Alam kong marami sa atin ang nagpupumilit magsalita, trip siguro nila at walang basagan ng trip. Trip-trip ika nga.

Naalala ko yong isang sualt na kumalat 'daw' sa internet at pinagpasapasahan. Nahulog ito sa isang bar sa malate at ayun parang isang scandal na kumalat (mas masahol pa ata sa scandal eh). Ewan ko lang kung trip lang ng gumawa ng sulat na ito o ano. Basta ang sabi ko walang basagan ng trip ha.

Bilang pasasalamat, gusto kong sabihin na kinowt ko ito mula sa librong dilaw ni Bob Ong. Salamat pareng Bob (naks feeling close?)


Marjie,

I am not surprise or wander Dennis leave you.
Why?
What reason you can think about but you’re very fat body. I thought before that Dennis only use me to his toy but sooner and later I’m realize that he really can’t not beared or stomached to be with you anymore because at first, Dennis say he could not stand you’re habit of making pakialam all his walks [lakad] and always calling to their house what he go home or this or that and then he say he get ashame to met iether in school or in his family and then asking you to exercise you’re very very, very fat body but you hate it thoughth you’re the most preetiest girls he knows about what do you think you are “Beautiful Girl” of Jose Marie Chan even you are beautiful face to your think? You do not have the right to called me whatsoever or else different name one time or the other for the real purposed to insults my personality because I’m never call your names iether in the front Dennis or in the back of Dennis, but if you start already calling me different name, I don’t have any other choice but to call you other different name to like you are a PIG, FAT, OBESSED, OVERWIGHT, AND UGLY SHAPE girl. Shame to you’re body that is to a BUDING. You can’t not blame Dennis for exchanging you to me because I am the more sexier that you when you look to us in mirror. Im repeat again that you are like Ike Lozada when she is a girl.

From: THE SEXIEST GIRL OF D.M

P.S You say that I’m the bad breathe but who is Dennis want to kissed. Me or You? You or me? And the final is me.

Bilang reaksyon sa nabanggit na sulat, mag-iwan ng komento na ikaw ay may natutunan na prinsipyo ayun sa nakasaad sa sulat.

Tuesday, July 15, 2008

oda para sa kuko ni lelang

"epes! mamatay ka! pakyu! shet ka! olol! gagu ka!"

Nakangisi si lelang habang nagsusulat sa likod ng aparador nang utusan sya ng kanyang amo gamit ang chalk para puksain ang mga pesteng ipis.

“ngayun, mapopoksa na kayu! Tang-ena nyong mga madirpaker!” sabay tawa ng malakas,(mala-demonyong tawa) as in tawang demonyita.

Bumaba na si lelang upang tapusin ang nilulutong ulam nang matapakan nya ang laruan ng kanyang alaga na nagkakahalaga katumbas ng isang buwang suweldo nya.

“oh may gas! may pedikyur!”

Worid na worid si lelang sa kanyang pedikyur, hindi alintana ang laruang nasira.

Hawak ang chalk, isinubo ito upang pagtuunan ng pansin ang nasirang pedikyur.

“sera na ang pedikyur ko. Hu-hu-hu-.hu. gumastos ako dito ng 300 pesos para lang mapaganda ang patay kong kuko tapos matutuklap lang ang pusya pink nitong kolor.” Sa isip-isip nya.

“ano na lang ang mukhang este kukong ipapakita sa boyprend ko nito?” sa isip-isip nya ulit.

Tumayo si lelang at biglang nagsalita.


... taglay mo ang payak ngunit maalab na kintab
Sa iyong paglago ako’y napapagtanto.
Ika’y isang mahalagang bagay sa akin sinta.
Ispin man nilang kahibangan pero itoy
Katotohanang may halaga.

Matagal-tagal din ang ating samahan,
Parang kelan lang.
Ngayon ika’y nahimlay na
Sa iyong tunay na patutunguhan.
Gabay mo aking dasal at pang-unawa.

Sa iyong paglalakbay wag kang talipandas
Sa mga kapwa mo ungas.
Naway magpakabait ka upang
Iyong sinapit di na maulit.

Paalam sa ‘yo.
Aking mahal na kuko...
Na minsa pa’y akoy iyong pinaganda sa
Iyong mahiwaang kinang.

Isa kang obrang napakaganda.
Sabi nga ni kekang,
“lelang ang ganda naman ng iyong kuko,
Sana naging kuko ka na lang”
Tinaggap ko ‘yon ng buo
At buong pagmamalaking komplemento.

Pero ngayon, ika’y wala na.
Kaya panu na aking ganda?
Bahala na.
Bahala na.
Oo bahala na talaga.

Paalam sa ‘yo...

mahal kong kuko.

---oda ni lelang para sa kanyang namatay na kuko.


Para syang timang na umiiyak habang nakangisi. At biglang tumawa ng malakas, nang ubod ng lakas.

"ha-ha-ha-ha-ha"

Ilang sandali lamang nagdilim ang paligid ni lelang.
Napahandusay sya sa lapag at nawalan ng malay.
Sumisikip ang kanyang dibdib at nahirapang huminga.

"kelangan ko rin ng oda" tanging nasambit nya.

Sunday, July 13, 2008

musta? Zup?

Prend: kumusta na ang buhay?
Ako: (nag-isip kunyari ng malalim) umm... ito self-supporting.
Prend: e ang sex life?
Ako: ganun din.

Madalas akong matanong ng mga kaklase ko o kaibigan ko kung kumusta na daw ako at madalas ko din silang sagutin ng okey lang, minsan parang text lingo na nga rin...'K Lang'. Ewan ko ba, hindi ko kasi trip sabihin yong nararamdaman ko kahit di naman ako okey.

Nitong nag-daang araw lang, alam ko sa sarili ko hindi ako okey. Nawawalan na kasi ako ng ganang... ummm... kumain. (holsam ako ngayon, ano ba?). Pero kahit papaano tatlong beses pa rin ako kumain sa loob ng isang araw 'di pa kasama dyan yong meryanda sa hapon at madaling araw.

Kamusta o Kumusta? Alin nga ba ang tama pagdating sa formal na wikang filipino? Ngayon may ibang versyon na yan sa text linggo, tulad ng muzta, moostah, muzzta, usta o mustah at marami pang iba. Minsan nga tinext ako ng kaibigan kong malaki ang bibig; ansabi 'aryu?' Tinamaan ng magaling na matsing! eh di ko maintindihan kung saang planetang naggaling yong salitang yon. Kaya tinanong ko, 'wrong sent ka ata pare.' nagreply naman agad, 'tangek! in-short yun ng how are you! bobo!.' Abah at may bobo pang pahabol, kaya ang ginawa ko imbes na mainis eh nagsori ng lang ako, taz este tapos nagreply agad... ansabi 'kei'. Nagets ko agad, yong K na short term ng OK ay pinahaba. letche talaga oh.

Maitext na nga lang si inang.

'Zup inang?


maikli lang muna ang ipopost ko ngayon, di ko alam kung affected din sa kawalan ng ganang magpost. Am i going bitchy now?

girl: hoy bitch!...

"hey dont you ever call me hoy!'
-bitch

"...if theres one lesson we young adults ought to learn, it should be maturity. Maturity to understand that life is unfair and maturity to not make things worse. Maturity to realize that there are things that we cant change and maturity to accept them gracefully. Maturity in loving and maturity to never be bitter if things dont work out..."
- qouted

Friday, July 11, 2008

my bestfreind (repost)

Wala naman akong magandang maikukuwento sa inyo medyo busy kasi ako now, umm saan nga ba? busy sa tulog,kain, trabaho, pangungulangot, pagbabawas at kung anong anik-anik pang may kinalaman sa hygiene ng aking petite body.okey payn... aaminin ko medyo tinatamad akong magpost ngayon, sabi ko nga busy ang lolo. repost ko lang muna 'tong entry na 'to, pampadagdag para ma-attain ko na ang ika-100th entry ko, kasi magpapa-pajama party ako! woothoo. joke lang. Medyo emo ang post ko ngayon, para maiba naman.

xxxx

Bata ka pa noon pero mahilig ka ng magbutingting ng kung anu-ano. Ang kulit-kulit mo nga eh. Halos hindi masuway ng iyong inang. Naalala mo yong nalunod ka? Andun ako, paslit ka pa nga kaya hindi mo alam na nagsisigaw din ako sa takot na maianod ka nang tuluyan. Pero maswerte ka dahil nakita ka agad ng iyong tita para iligtas ka. Pinalo ka noon ng tatay dahil sa iyong kakulitan, nalungkot ako dahil hindi mo naman talaga ginustong pumunta sa bahaging malalim, tanging gusto mo lang noon ay para makuha yong t-shirt na naanod. Haay… engot mo kasi.

Grade 1.Second honors ka, tuwang tuwa magulang mo noon. Syempre pati ako dahil bestfriend mo ako . Hindi mo pansin pero nasa bahaging likuran ako noon ng maraming tao, tanaw ka. Masaya. Proud. Kumakaway pa.

Naalala mo yong binato ka ng bato ng isang kaklase mo? kulang na lang idemanda ng yong mama. Astig ka din nun ha kasi kamag-anak nyo yong principal kahit alam mo sa sarili mo na may kasalanan ka din. Di ba ikaw pa nga yong nagtawag sa bumato sa kanya ( Diosdado ata ang pangalan nun eh, oo tama! Diosdado nga!) na "baluga" sya dahil mukha syang Aeta. Pero sa totoo naman talaga, eh aeta sya.

Grade 2. Fourt honors ka na lang, isinumbong mo yun sa mama mo dahil may "favoritism" na nangyari. Umiyak ka pa nga pauwi noon eh. Pero kasama mo ako, hinahabol kita pero dahil paslit ka pa lang mabilis ka pang tumakbo di tulad ko.

Grade 6. Natuto mo akong kilalalanin, mula noon "close" na tayo. Araw-araw mo akong kinakausap, pinapangiti dahil sa maliliit mong kalokohan. Di ba sabi mo noon may crush ka klase nyo? Natuwa talaga ako dahil sa wakas ang isang patpating paslit may crush na rin sa wakas. Pero nasaktan ka noon ng sabihin ng crush mo na hindi ka nya mahal. Gagah pala sya eh, hindi mo naman talaga sya mahal. "crush" lang naman.

High School. Thirteen Years old ka noon. Yon yong simula na makaligtaan mo na ako. Dati kasi gabi-gabi mo ako kausap, pinapakinggan mga batang-reklamo mo. Na kesyo palagi kang inuutusan. Ha-Ha-Ha. Naalala mo yong minsang nagdabog ka, binagsak mo yong ashtray tapos di inaasahang tumalbog at dumiretso sa paa mo. OUCH!!!. Beeeh buti nga. Peace!

Sa edad mong 13, maraming nagbago sa iyo. Boses. Pagdadamit. May bago ka na ring Crushes. At mga kaibigan. Astig ka noon dahil friends mo mga "elits" sa klase nyo. Belong ka ika nga. Pero dahil dito nakalimutan mo na rin ako bilang isang kaibigan. Nakakalungkot lang dahil para nanlamig ka sa ating samahan. Di kita masisi dahil bumaling ang iyong atensyon sa iyong kaibigan.

Graduation mo ng high school. May speech kang babasahin. Astig! dahil sa iyong angking katalinuhan. Sumasali ka rin kasi noon sa mga paligsahan sa pagsusulat hindi ka man nanalo pero doon nahasa ang iyong talento sa pagsusulat. Proud talaga ako sa 'yo noon Mar. Kaya mong makipagsabayan sa kanila kahit pajamming lang ang iyong taktika, nakakaperpek ka ng mga tests lalo na sa science. (sablay ka nga lang sa math dahil ‘yon ay ayaw mo). Habang binabasa mo noon yong speech mo, nakaramdam ako ng kakaibang lamig dahil sa tuwa na rin siguro at galak. Astig ka kasi, nasungkit mo yong "journalism of the year" na award, kahit hindi ka man kasali sa honor roll atleast napatunayan mo sa sarili mo na kayang mong makipagsabayan sa kanila. oh di ba?

College ka na noon pero biglang bumalik ang 'nanlamig' na samahan natin dahil may mga kaibigan ka ng "mabubuti". Pero taglay mo pa rin ang pagiging maloko Mar, kasi naman kung makapanlait kayo ni julieann tagus-sa-buto. Katulad ng "wow!!! ang ganda ng nail polish nya. Im sure may Memorial ng paglilibingan sa patay nyang kuko. Nail polish na lang ang tumatakip" tapos sabay kayong tatawa, sasabat naman 'tong si bruhang julieann "josko! eh sa impyerno hindi yan tatanggapin!".Ganun ang mga patutsada nyo pag kayo na ng barkada nyo magkakasama. Akala nyo eh mga Diyos at Diyosa kayo sa kaguwapuhan at kagandahan. Lakas mang-asar! Uber!


Pero bumilib ako sa 'yo noon mar noong naging working student ka. Nagtatrabaho ka mula 5 o'clock ng hapon hanggan 11 o' clock ng gabi para lang may magamit kang pera para sa sarili mo. Proud din akong naging scholar ka at konti lang binabayaran ng parents mo para sa tuition mo at working student ka pa. Pero dumating yong point na nagkaroon ka na ng bagsak, hindi ka na kasi nakakapagreview para sa morning subject mo lalo na yong major mo. Pero kampante ka lang noon dahil lahat naman kayo ng ka-major mo eh lagpakers din. Naging kampante ka ngunit pinanghinaan ng loob. Dumating yong point na umiiyak ka noon dahil sa nalagpak mong exam. Sayang...Science pa naman.Di ba paborito mo yun? Pero pagdating ata sa mechanics eh hindi mo na type pag-aralan mga vector quantity, speed, length at kung anong anik-anik pa yan. In short nagsawa ka!
Naalala ko noon, mag-isa kang nasa boarding house mo, umiiyak dahil hindi mo alam kung ano uunahin mo kung yong letseng pag aaral mo o yong trabaho mo na nageexpect yong managers sa yo. Nahirapan kang nagdesisyon kaya nag-bahala ka na.

Infairness,marami ang natutuwa sa iyo. Bibo ka kasing bata lalo na pagdating sa recitation. Astig kang sumagot, may punto at may laman. Type mo yong gisahin yong reporter sa harapan habang sya naman ay takot sa mga "pop-up questions mo". Naalala mo yong muntikan ka ng murahin ni Raymond dahil sa tanong mo noon na mukha namang irrelevant sa topic. ha-ha-ha...bibong bata dahil napatumba mo yong "pinakamagaling" klase nyo. Sumuko. Pero sa huli humingi ka pa rin ng tawad. Doon ang naantig sa iyo, marunong kang magpakumbaba. Astig ka talaga Mar. Napasok ka noon sa student publications nyo. Wew! astig ka rin bumanat dahil nailalabas mo yong sentimyento mo.

Tanda mo pa yong naadik ka sa blog? At doon mo rin nakilala yong unang taong nagpaiyak sa iyo ng todo dahil sa lintik na pag-ibig yan kamo. Nagtagal din kayo ng halos siyam na buwan, pero biglang umiba takbo ng sinasabing mong "mundo". Hindi pala sa lahat ng oras eh takatuon lang ang atensyon mo sa sinasabi mong "mundo". Duh, wag ka nang magmaang-maangan pa. Di ba sabi mo mundo mo sya? Pero sabi ko nga Life has to change for it has to. Sa kanya ka umiyak ng todo. Di ko masabing karma pero parang ganun na rin dahil marami ka na ring pinaiyak di ba? Sana maalala mo pa yong time na iniwan mo gf mo dahil nalaman mong hindi mo pala sya mahal. Marami ka na ring nakarelasyon pero sa kanya ka talaga nasaktan ng todo. Umiiyak ka noon, nagmamakaawa pero hindi nya pinakinggan. Halos kaawa-awa ang iyong lagay noon. kasabay noon ay ang paghahanap mo ng trabaho sa manila. Naging Call Center Agent ka noon sa Ortigas, pero dahil sa kaestupiduhan mo, pinili mong maghanap ulit ng trabaho malapit sa bahay na pinagtutuluyan mo sa ParanaƱque, swerte ka talagang bata dahil ilang araw lang na paghahanap nakakita ka ulit ng trabaho bilang Data Analyst kahit sa lagay mong yan na di graduate kinaya mong makipagsabay sa mga degree holder, astig ka talaga!)

Nagbreak kayo sa araw bago ng inyong monthsary. Kawawang bata dahil ginawa mo lahat para sa kanya. Noong panahong yon mag-isa mong hinarap yong sakit, hindi mo ako kinailangan dahil nagtapang-tapangan ka! Umiiyak ka noon ng mag-isa pero di mo lang alam nasa likod mo lang ako umiiyak din dahil nasasaktan ang isang kaibigana malapit sa akin. Kung alam mo lang kung gaano katindi yong emosyon ko para tulungan ka pero hindi mo ako tinawagan para gawin ang bagay na makapagpapabuti sa iyo. Pinili mong mapag-isa at magalit sa lahat ng tao dahil ayaw mong kaawaan ka. Gusto kitang yakapin noon para mapanatag ka pero nagpumiglas ka. Isinumbat mo sa akin lahat, naging sarado ang iyong isipan para intindihin yong mga nangyayari sa iyo. Trabaho, pamilya at maging mga kaibigan---gumugulo din sa iyo noon, nakikisabay sa iyong problemang dinandala.

Sa ngayon, narealized mong may magandang nangyari rin pala sa iyo ang lahat. Ngayong taon lang na 'to akala mo katapusan mo na dahil sa apendecittis nangyari sa iyo.Buti na lang naging matatag ang iyong pananalig kaya nailigtas ka mismo ng lakas nang loob mo. Yun yong natutunan mo sa break-up nyo ni (name withheld). Natuto kang maging mas matapang pa. Astig ka talaga mar.

Ilang months after ng operasyon mo, nakilala mo si (new one). Sya na ngayon yong taong malapit sa iyo at pumalit kay (name withheld). Masaya ka sa piling nya at sya lang yong taong nagpabago sya. Pasalamat ka sa kanya. Pero nakakapagtampo ka Mar, dahil nakaligtaan mong batiin ako noong birthday ko. Hinihintay ko pa naman ang tawag mo. Pero noong mismong araw na yun eh hindi ka tumawag sa akin, hindi kinausap pero alam kong alam mo ang birthday ko. Nagdiwang pa nga kayo di ba? May Christmas party pa nga kayo eh, naghanda rin at nagsalu-salo. Pero after ng araw na yon naalala mo bigla.Ha-ha-ha-! sa wakas naalala mo din, laking tuwa ko noon. Kahit huli na pero naalala mo pa rin, salamat ha.

Kapag lumuwang turnilyo mo, balewalain mo .Akala mo ba madali lang ang "maglakbay papunta dito?" ulol ka pala eh. Maraming nagtangka kahit hindi pa itinakda pero hindi sila naging successful sa pagtatangkang yon. Nahulog lang sila sa bitag at hindi na nakaalapas pa. Kawawa lang sila. Kaya pag dumating ulit yong mga sandaling yon, lumaban ka. Maging matatag ka at wag kang susuko. Di ba sabi nga ni "new one" marami ang umaasa sa 'yo. Matalino ka, may angking abilidad kaya gamitin mo yon sa mabuting paraan. Huwag kang maging bobo para lang sa mga kapiranggot na pangyayaring sa tingin mo eh hind maganda.

Astig ka Mar! Kaibigan kita, Di ba Bestfriends tayo? Ako yung tutulong sa 'yo. Yong sasama sa iyo sa iyong mahabang paglalakbay sa buhay. Maging matatag ka sana Mar, dahil hatid lang ito ng pagkakataon para mas maging matapang ka pa para sa mga susunod pang hamon ng iyong buhay. Huwag kang maging maramot sa iyong sarili. May karapatan kang masaktan pero wala kang karapatan para unahan ang desisyong yong inilaan Niya. Mar, kaibigan ko. Mahal na mahal kita. Ako pa rin 'to, isang kaibigan, isang malapit na kaibigan… Jesus Christ.

Wednesday, July 9, 2008

last waltz

part din 'to ng RIBLO, may significance ito sa entry sa ibaba.

-ooo-

“No matter where you stand, the ground you walk on is our binding cord, the magic carpet of life. Someday, I will come to you and you alone, and say thank you for all that you have given me. With love, I will return.”

I walked slowly along the corridors, feeling very moment, just like I wouldn’t see this place again. I wasn’t alone, I knew, but I could see were mannequins belonging to the faceless crowd. It’s weird though, but they seemed to share the same sentiment, the same burden, and the same pain. Or, at some point, the same grief, engraved in their blank stares. I held the walls for support, thinking that I might regain the strength that had seemed dried out from me.

There were thousands of why’s and how’s that flooded my mind that day. Somehow, I didn’t notice that I was already standing at room 8. I reached for the doorknob and surprisingly, I felt cold against my hand amidst the scorching heat of the summer wave.

I felt that I needed to take all the air before I could enter the room as I told myself. This is her last day. “H-hi!” I smiled, bearing the biggest smile I could ever paste onto my face. I got so much to tell her that was all I was able to say as a big golf ball blocked the words down into my throat.

“Why so sad, mar? Did you miss me?” She whispered as she smiled, unable to speak louder because of the tube attached to her nose. It always surprised me how she could read my mind. I am not a good actor and she knew it. Instead of answering her, I busied myself arranging the flowers. I couldn’t bear to see her like that.

It’s been a month since Trina was diagnosed with cancer of the blood. Unfortunately, we had discovered it by accident. It was our anniversary then and we decided to celebrate it with non-profit organization of dancing enthusiasts where Trina was a member. We thought of it as an exciting experience since it was both our first time of sharing our own blood. I was talking to an old friend as she went to a medical assistant to have her blood test first. But when I got back to her, she just told me that she’s not feeling well.

“well, I just guess this blood-donating thing is not for me,” she smiled but I knew there was something wrong that I needed to know. And I was right.

“I-I’m sorry,” I said shakily as she opened the door of her apartment. I tried to be calm and strong for her but as soon as I saw her, it seemed that a floodgate was opened and the tears in our eyes never stopped falling as we cried in each others arms.

“Stop what you are doing, god damn it!” she yelled at me even she wasn’t supposed to. I stirred and turned to obey her. I sat by the hospital bed slowly but never raised my eyes to see her. I kept staring at the white sheets that covered half of her body and, of course, the different tubes that were attached to her only-God-knows part of her body.

I loved staring at her but this time was different. I took all the courage in me to lift my eyes for a moment just to see her eyes getting wet.

“It is alright, my angel. Soon you will find another dancing partner and ill see to it that she will be good enough to pit up with your both-left- feet” she laughed slightly. And the other moment, she put her hands to my chin and lifted it gently. It was supposed to be a joke and I could have laughed at it when done at normal circumstances. But the situation was away from normal. This time was entirely different.

When I met her eyes, there were shapeless emotions that until now I would never understand. “Hey, could you still remember when I taught you how to dance in college? And you not only passed your dancing class but got a 1 for it?” She uttered. Something stirred deep in my gut. Some unexplainable things were going to fly into my mouth and would make me cry. But I would not let it so; I needed to be strong for her. I would simply have to say, yes, so I nodded, fearing that I might cry aloud when I opened my mouth.

“that was the time I fell in-love the very first time? she said.

“Huh?” it was more of sound than word. “I said I loved you the first time I held you in my arms,” she said, raising her voice a little bit.

I wanted to keep looking at her because I never wanted to take my eyes away from her, even if it pained me a lot. But I couldn’t bear the honesty that was painted in her eyes. Another something stirred into my gut anew and I thought of taking my eyes away from her. But I breathed deeply and sighed, amazed by the courage I could show to the girl I’d love but who was just waiting for the slightest wind to put off her candle.

“I love you, so much,” I said as I smiled amidst the pain inside of my heart. I stroked her face gently. She held my hand softly as she kissed it gently.

“Always remember, that in every wind that touches your cheek is a kiss from me,” she said under her breath.

“Now, would you do me a favor?” from somewhere deep inside came a devastating urge to make me cry but I should not, I promised to be strong. I would merely nod to Trina- --an assurance that I would do anything just to make her happy even for her last day.

“Would you please hold me very tightly and dance with me” she asked. I held her hand tightly, which was so thin- far from the powerful hands that once belong to her-and gave it a little squeeze.

“No, mar,” she said, “really hold me, next to me.” I was very, very careful not to touch anything-the tubes and the kind. As I got onto the bed with her and put my arms around her. I held her arms and hummed our favorite song.

THANKS, MY ANGEL. I LOVE YOU.” Those were her last words. I walked slowly along the corridors, feeling every moment, just like I wouldn’t alone, I knew, but at that very instance, all I could see were mannequins, all I could see were to the faceless crowd. It’s weird though, but they seemed to share the same sentiment, the same burden, and the same pain. Or, at some point, the same grief, engraved in their blank stares. I held the walls for support, thinking that I might regain the strength that I had seemed dried out from me. Suddenly, a gust of wind blew from outside the building. I felt it stroke my face, my eyes, and my lips. I closed my eyes and felt a pair of lips kissed me. A realization snapped me back to reality.

“Always remember, that in every wind that touches your cheek is a kiss from me.” T-trina… I whispered to myself and as I reached the wall, dam of emotions poured. Barriers were broken. I cried.